Paglalakbay sa Bundok Manalmon

January 26, 2013. Araw ng pinlanong akyat at ang napili… bundok ng Manalmon. Ako ang nag-suggest nito dahil matagal ko narin syang gustong akyatin. Sa orihinal na plano ni Ugi, aabot kami ng sampu pero naging lima nalang.

Ang mga dumalo… Ako, Kashogi, AJ, Paddex at Allan.

65196_10151252028687861_2136258238_n

Nagaalangan pako sumama sa akyat nung malaman kong may photoshoot ang Litratistas sa SM CCP. Sayang naman kasi at ipapakilala daw kami sa mga models. Aba, pribelehiyo ata yun. Kaya pinabago ko ang IT namin na agahan ang paguwi. Okay na sana kaya lang napatingin ako sa PAGASA website. May bagyong papalapit sa Metro Manila. Sa sariling tantya ko, aabutin ang Bulacan ng Sabado. Ayoko na naman tuloy umalis. Ako ang taong gusto ng asul na kalangitan pag umaalis. Di baleng mainit basta wag lang umuulan. Subali’t napilitan parin ako na tumuloy sa Baliwag Transit. Alas diyes ng ako’y makarating. Nadatnan si Kashogi at AJ na kanina pa ata naghihintay. Sinusubukan ko silang kumbinsihin na hindi nako sasama dahil hindi ko gusto ang panahon sa dilim ng mga ulap. Balak kong ipahiram ang tent at bumatsi na. Sinubukan ko rin ang ‘the maycon moves’ na baka magkabadtripan lang kami duon. Pero bigo ako. Dumating si Paddex at Allan. Onting kamustahan at kami’y sumakay narin. Tenterti nilisan ang Cubao. Wanhandredsebentin ang pamasahe hanggang San Miguel, Bulacan. Kwentuhan… gumanda ang panahon… at ako’y nakatulog.

537278_3742280456038_175791398_n

Pagkatapos ng higit dalawang oras, bumaba kami sa Barangay Kamias. Pagbaba namin, may dalawang traysikel agad ang lumapit. Hindi ko nakita kung galing ba sila sa pila. Kontrata agad. 240 ang isang byahe. Hindi pede kaming lima sa iisang traysikel lang kaya sabi ko kakain muna kami upang makapagisip. Nagtingin tingin at may nakitang gotohan. May mga ulam kaya lang… walang kanin. Nakasunod parin ang dalawang traysikel. Wala na kaming makakainan kundi ang sinabi nilang madadaanan na karinderya. Sinubukan kong lumapit sa isang traysikel na nagbaba sa aming tapat. Pwede raw sa kanya 200 at kaming lima pero nagsilapitan yung mga traysikel drayber. Hindi pala pwede ang ganon dahil may pila. Tama nga naman sila. Sinubukan ko paring tumawad at binigay samin ng 220. Basta makamenos sige payag na.

Ilang minuto byahe, nakarating kami sa karinderyang may sikat na papaitan. Sinalubong kami ng ngiti ng mga dalagitang tindera. Nakita si Paddex at nakita ang buhok na parang afro. “Koya pede pahipo?” Tawanan kami at pinahipo naman nya. Natuwa din sa atey.

552768_3742283216107_1730379473_n

Umorder nako ng papaitan. Masarap naman sya hindi nga lang kasinsarap ng luto ni Olivia. Hindi sya mapait. Parang papaitan lang ng Aysis sa Pasig. portipayb ang isa at sampu para kanin. Nag-extra rice pako dahil sa gutom. Masarap kumain dun dahil kwela ang mga tindera.

523220_3742282096079_1681838865_n

Balik byahe sa traysikel. Diretso tapos kumaliwa hanggang sa marating ang dulo. Bayad ng noventa singko dahil daw may entrance fee ang traysikel. Parang lahat nalang ata may bayad!

Unting lakad lang ay ilog na. May dalawang paraan para tumawid, ang balsa na limampiso isang tao at ang Monkey Bridge na libre pero tutulay ka sa kawad na bakal. Dahil kami’y may mga bitbit, pinili namin ang balsa.

67452_3742309616767_124038552_n

Jump off point. Sitio Madlum, Barangay Sibul, San Miguel

Diretso kami sa tahanan at tindahan ni Aling Cecil. Nagparehistro ng aming mga pangalan. Kumuha ng guide para sa Madlum Cave. Wampipti ang bayad para sa lima. Si Tatay Tonying o Antonio Conderas ang aming guide. Iniwan namin ang gamit sa tindahan. Umarkila ng tatlong headlamps dahil wala kami dala kahit planado naman ang akyat. Ewan ko ba. Trenta ang isang headllamp.

Balik kami sa balsa at tumawid. Wala na raw bayad pag pupunta naman ng cave. Lakad sa matarik na daan paakyat hanggang marating ang bukana ng kuweba ni Madlum.

1995_3742318056978_1764036646_n

Tuyo ang kuweba ng aming pinasok. Pabor sa amin. Marami kinukwento si tatay kaya lang hindi ko maintindihan ang karamihan. Panay “aaaaahhh” nalang ang nababanggit ko kay tatay Tonying. Magaling na guide si tatay. Itinuturo nya ang mga dapat mong gawin para mas ligtas ka makababa o makaakyat sa mga obstacles ng kuweba. Unang pagsubok ay mini rappel. Sisiw lang sakin. Hindi ako takot
dumepende sa tali kaya madali ako nakababa tulad ni AJ.

73528_10151252047912861_2029325322_n

Malamig sa loob. Sumuong, yumuko, tumagilid, dumapa, gumapang at umupo. Narating namin ang music room. Nagpapatugtog si Paddex gamit ang mga rock formations. Masarap sa pandinig. Narating namin ang pinakamahirap na challenge. Naabutan pa namin ang kasunurang grupo na puro babae pero olats. Pahinga muna at syempre picture taking. Pakiramdam ko ako si Lara Croft. Kulang nalang baril at mga kalabang hayop. Dalawang oras kami sa aming cave adventure.

148745_3742340857548_1698415390_n

537161_3742349137755_767442440_n

528889_3742356657943_1714880943_n

484806_3742356937950_2119309634_n

314804_3742351217807_699877969_n

550327_3742461740570_1906507258_n

154169_3742454620392_678018746_n

553042_3742453540365_1168799858_n

601217_3742456700444_1314566464_n

542371_3742526622192_435246665_n

482906_10151252063192861_486718680_n

295357_3742547182706_1674043724_n

Eto ang pinakamahirap na parte ng kweba dahil kailangan mo yumakap sa bato at itulak ang sarili papasok.

196413_3742544222632_1169936440_n

Balik kami sa ilog pero hindi na kami nag balsa. Dumiretso kami sa Monkey Bridge. Nanguna agad si tatay sa pagtawid. Kami naman ay excited kahit ang iba ay kinakabahan. Sisiw lang samin ni AJ pero yung tatlo ang natatakot. Nalaman kong may fear of heights pla tong si Kashogi. Buti di sya nalulula sa tangkad nya. Ladies first. Tinawid ni AJ ang tulay ng mga tatlong minuto. Sumunod si Paddex… si Kashogi, pinadala pa sakin ang camera nya sakaling mahulog daw sya pero si Allan din ang nagtawid. Di naman sobrang delikado ang pagtawid sa Monkey Bridge. Natural ang pag-ugoy ng inaapakan. Ang mahalaga ay nakakapit sa tali. Unti unti lang makakarating din. Masarap sya subukan. Nakaka-excite at maganda rin ang view pag nasa gitna ka na.

554447_3742563023102_577948110_n

23366_10151252072817861_1515896037_n

314855_3742567543215_833958522_n

25920_3742572223332_530213439_n

388669_3742583303609_1549157989_n

424864_10151252076277861_1587769764_n

Nagpahinga unti. Bumili ng long neck matador at lumakad na rin para umabot sa sunset. May dadaanang kweba pero saglit lang. Tatawiring ilog na hanggang binti lang ang lalim. Walang isang oras at nakarating kami sa campsite.

72305_3742589343760_1725352009_n

523319_3742594223882_1291787306_n

309733_3742594343885_1303403542_n

309859_10151252082337861_1995708487_n

150086_10151252084787861_194630869_n

398013_3742597423962_1261067977_n

73746_3742598343985_643557269_n

394902_3742602824097_1959784746_n

59541_10151252089657861_623216885_n

Maluwag ang campsite at sa bilang ko, tatlong grupo lang ang aming nadatnan. Si tatay diretso nagpitch ng duyan nya. Kami nama’y naglapag ng gamit at diretso sa summit upang magpictorial.

542354_3742607024202_1387256655_n

Ang tuktok ng bundok

314810_3742616584441_266970895_n 394890_3742629144755_1616761944_n

387085_10151252094687861_2013063946_n

Bumaba, nagpitch ng tent, naglatag ng ground sheet, naghanda ng mga makakain, nagsaing ng kanin, nagkwentuhan. Muli ay umakyat ako sa summit upang kumuha ulet ng litrato.

388663_3742642145080_1615494550_n

556397_3742643945125_1091584349_n 391292_3742649705269_1805053715_n

Makaraan ang mahigit kalahating oras… bumaba na ako. Sumakit ang aking mata dahil hirap ako makakita sa dilim kapag walang salamin. Maya maya’y nakatulog ako. Ginigising ako para kumain pero mas gusto ko pa matulog. Naalimpungatan habang sila’y nagiinuman. Nagising ako ng alas kwatro at di na makatulog. Naghanap ng tirang ulam. May tatlong piraso pa ng manok. Kumain ako ng dalawa at onting kanin. Busog. Nagliwaliw magisa. Nag e-cig. Kumain pa ulet ng dalang tinapay. Dahil di nako makatulog at malakas rin ang hilik ni Ugi. Nagpasya akong tumambay sa summit. Kinuha ko ang camera ko at ni Ugi. Masarap ang hangin sa taas. Hindi nanunuot sa laman ang lamig. Katamtaman lang s’aking pakiramdam. Napakaganda ng kalangitan. Walang mga ulap. Puro bituin lang ang makikita. Nakatingin lang ako sa kawalan at sa buwan. Hindi ako makapagisip. Natural na tulala lang. Ilang kuha pa ng litrato gamit ang camera ni Ugi nang biglang… empty battery. Patay!

 385328_3742647865223_1748256356_n

72383_3742651705319_1460903792_n

Ang palubog na buwan sa madaling araw

Nagising narin si AJ at umakyat sa summit. Siya ang gumising at nagpadala ng masamang balita kay Ugi. May galit at tampo si titser. Nagmoments nalang sya habang nakatingin sa papalapit na umaga. Nagsidatingan narin ang ibang mountaineers para kumuha ng litrato. Nagkape na kami sa taas at nagkwentuhan tungkol sa Happiness ni Paddex. Palowbat narin ang camera ko. Bumaba kami at nag-break camp. Muling umakyat sa summit ang grupo kasama si tatay para sa group shot pero bigo dahil bumigay narin ang baterya ni Lumia.

391215_3742654785396_1386222007_n

486108_3742663105604_220206090_n 529018_3742662385586_2058724899_n 555385_3742662145580_491353329_n

Bumaba kami sa ibang daanan. Parang traverse. Dire-diretso lang pero parang matagal kumpara sa dinaanan namin kahapon. May nadaanan kaming pwesto ng ilog na may maraming naliligo. Sayang at hindi nakuhanan ng litrato kaya tumambay muna kami at nagpahinga saglit. Matapos kumain ng baong cheesebread, yan yan at Alpine evaporada… nagpatuloy na kami. Halos tatlumpong minutong paglalakad, nakabalik kami sa barangay.

Pumwesto sa malilim at malapit sa ilog. Hindi na kami nagluto ng makakain dahil merong nagtitinda ng pagkain. Umorder ako ng kalderetang baboy na kakapiranggot, sila nama’y tilapiang gata, mountain dew, kape at may kumakalabit na aso bukod kay Wendy.

Matapos kumain at magpahinga, naligo na kami. Nagsimula ang pictorial, kalokohan at photoshoot ni AJ.
Inggit siguro ang ibang grupo dahil tanging si AJ lang ang may dating. ^_^

 556602_3742693746370_1496339786_n

14963_10151252018682861_1360824004_n 205673_10151252135007861_1037930533_n 734436_10151252125192861_641459586_n 419652_10151252128972861_2069774783_n (1)  14798_10151252127122861_72480251_n (1)

317058_10151252139502861_145903408_n

72917_10151252131407861_739985944_n

67419_3742750227782_208276207_n

556371_10151252117857861_1070209445_n

312418_3742759868023_252092170_n 419651_3742772908349_280834952_n 73311_3742721827072_621294587_n 424542_3742734587391_168600392_n 842944_3747773553362_955337639_o 798267_3747827114701_1496238189_o

419580_10151252127652861_1874404430_n 196372_10151252130577861_164474123_n (1) 603094_10151252130137861_2004592647_n (1) 312461_10151252141422861_854290198_n

269341_3748024559637_1132580513_n 538999_3747909436759_1773530277_n 554409_3747945597663_1255184092_n

Pareho parin ang pamasahe pabalik. Diretso kaming binaba sa istasyon ng bus. Tulog ulet at pagdating sa farmers, kumain ng hapunan at naglaro ng DOTA. Umuwi akong masaya. Bukod sa magandang adventure ay panalo sa dota.

 379222_10151252081347861_260542666_n

Categories: Uncategorized | Tags: , , , , | Leave a comment

Post navigation

Leave a comment

Create a free website or blog at WordPress.com.